Intoy, Intoy! yan ang sigaw na sumisira
sa tulog ko. Nakakasawa ng pakinggan ang pangalan ko na ginagamit na
panggising sa akin ni Manang Henya “Tanghali na” sambit nya,
kumain ka na at mahuhuli ka. Sa loob ng halos dalawang dekada na
paninilbihan sa amin ni Manang Henya, tila naka-program na sa utak
nya ang mga linyang yan na bawat umaga mo maririnig kasabay ang
paghalo ng sinangag na halos araw-araw ang unang pagkain na
nalalasahan ko.
“Nang Henya, may coffee mate pa ba
tayo?, tanong ko. Kinuha ang upuan, sa edad nyang 67, malakas pa sya,
inabot ang isang kahon na nakapatong sa estante sa kusina. O iho,
coffee mate yan galing UK pero iba ang tatak, masarap daw yan sabi ng
mami mo. Natawa na lang ako, naalala ko bigla yung panahon na kapag
bumibili ako sa tindahan nila Aling Ilyang, “Pabili nga po ng
Colgate, ung Close-up”.
Certified Pinoy nga ako.
Sumisipol na ang takure, kinuha ko para
maglagay sa tasa at magtimpla ng kape. Marahil, hindi pa bukas ang
ulirat ko mula sa pagkakahimbing, napasobra ang lagay ko ng mainit na
tubig, natapon sa lamesa, sabay sabi ko ng “puta”. Napatahimik
ako, tumingin sa akin si Manang Henya at ngumiti. “Ako na diyan,
umupo ka na at baka lumamig pa ang sinangag, sabay tabik sa balikat
ko. Labing walong taon na rin pala ang lumipas mula ng una kong
marinig ang salitang “puta”. Para akong nakulong sa patibong ni
Puma Ley-Ar na kalaban ni Shaider sabay sabing Time Space Warp,
Ngayon Din. Unti-unting bumalik ang mga oras na yon. Hindi pa pala
ako nagpapakilala, ako ang bida sa kwentong ito, Ako si Wentworth
Lee Forsythe Rivera Manzolim, kung bakit Intoy, hindi ko alam, hindi
ko rin naman tinanong sa magulang ko. Nakagisnan ko na lang na
tawaging Intoy ng pamilya ko. Pamilya ko?
Nagmula ako sa pamilyang matatawag kong
konserbatibo. Isang pamilya na kung saan dapat kumilos ng naayon sa
patakaran ng iba kong kamag-anak at higit sa lahat sa pamantayan ng
mga matang nakamasid sa pamilya namin. Tatlo kaming magkakapatid, ako
ang bunso. Nung mga oras na iyon, ang dalawa kong kapatid ay nasa
Secondary School na at ako naman ay nasa ikatlong baitang na. May
kaya ang pamilya namin kaya sa pribadong paaralan ako pinag-aral ng
magulang ko, exclusive school for boys, school ng mga batang “konyo”
, ika nga.
Alas siyete ng umaga, eksena sa gate ng
school, maingay, magulo, hindi dahil takbuhan ang mga batang
estudyante na tila takot mapagalitan ng mga terror nilang teacher,
kung hindi dahil parating na ako at si Yaya Sabel. Nagkita-kita na
naman ang mga reyna ng School Canteen namin, si yaya Sabel sampu ng
mga kampon nya sa kulto. Iba ang grupo ni yaya, hindi uso sa kanila
ang beso-beso, astig sila e, “High-Five” ang batian ng mga
kaibigan nya.
O pumasok ka na sa classroom mo at baka
ma-late ka pa, wag kang makikipag-away, mahal ang abogado ngayon,
biro ni yaya. Ngumiti lang ako sabay takbo. Dahil sa laki ng bag ko
na mas mabigat pa sa akin, si yaya na ang nagdadala noon sa classroom
para na rin makasilay siya kay Tomas, yung pintor, hardinero,
karpintero, kartero at gwardiya na rin siguro ng school. Hindi ko
siya sinusumbong sa mommy ko kapalit ng ilang minutong paglalaro sa
playground pag recess.
Mabilis ang oras, tumunog na ang bell,
tanghalian na. Kanya kanyang takbuhan ang mga estudyante sa canteen,
gaya ng inaasahan, andon si Yaya Sabel sa kuta nila. Isang malaking
monoblock table. “Hello Yaya”, sabi ko. Umupo ako sa tabi nya,
naka-nganga, naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Talikod
bunso, sabi nya, sabay taas ng damit ko sa likod. Kinuha ang bimpo at
pinunasan ang likod ko para hindi daw ako matuyuan ng pawis at ubuhin
kung hindi kakalbuhin siya ng mommy ko. Iyan ang laging sinasabi ni
Yaya kapag ayaw kong sumunod sa gusto nya, kakalbuhin daw siya ni
mommy. Dahil sa ayaw ko syang kalbuhin dahil lalong mapapansing na
hindi sya kagandahan at lolokohin ako ng mga classmate ko kaya
sumusunod na lang ako sa gusto nya. Habang nilalagyan nya ng polbo
ang likod ko, bangka si yaya sa kwentuhan. “Putang ina nya” sabi
ni Yaya. Ang kapal ng mukha nyang si Mabel. Puta sya. Dahil hindi ko
alam ang ibig sabihin ng “puta” nakanga-nga na naman ako, kung
may metro ng meralco na nakakabit sa bibig ko, sa malamang mataas na
ang bill namin.
Kinulbit ko si Yaya, Anong ulam? Sa
sandaling iyon, bumalik na ang kaluluwa nya sa katawang lupa nya.
Kinuha ang plastic bag ng Mercury Drug, don nakalagay ang tupperware.
Kanin, Embutido at saging ang tanghalian ko. Habang kumakain ako, di
mawala sa rehistro ng utak ko ang salitang “puta”. Hindi ko na
matandaan ang kasunod na nangyari, papasok na naman yata ako sa klase
sa hapon. Computer, HeKaSi, MaPe at Religion ang mga subjects ko,
pati nga pala Recess, nakalimutan ko ang pinaka-poborito kong
subject, dahil makakapag-laro na uli ako ng sipa o batuhang bata.
Ring... Ring... Ring... Ang bilis ng oras, uwian na naman, wala
kaming cleaner gaya ng palagi kong naririnig sa iba kong kaibigan,
may taga-linis kasi kami sa school, si Tomas nga, yung crush ni yaya.
Sa mahal ng tuition fee na binabayaran ng mga magulang namin, baka
ipasunog nila ang School pag nalaman nila na pinaglilinis ang mga
estudyante doon.
Nakaabang na si Yaya sa pintuan ng
Classroom, maputi na ang mukha nya gawa ng Johnson's Baby powder,
kahati ko pala si Yaya sa supply ko. Senyales ang maputi nyang mukha
na uwian na. Ngayong hapon, makikisabay kami kay Mikoy, grade 2 sya,
nakatira malapit sa amin, may sundo kasi siya, stainless steel owner
type jeep. Ngayon ko lang naisip, kick-back siguro ni yaya ang
pamasahe namin kaya lagi kami nakikisabay pauwi.
Dumaan ang ilang araw, nakalimutan ko
na ang ibang pangyayari, wala kasi akong diary noon e. Hiniram ni
Mang Kardo, yung tiyo ni Mara, ay hindi , tito pala sya ni Clara, ung
kapatid ni Mang Gary. Basta yun na yun. Sabado, walang pasok, asan
nga ba ang magulang at mga kapatid ko? Si Kuya Mac, nasa manggahan
daw, si Kuya Neil, nag-susuper mario. Si daddy at mommy? Ewan ko,
asan nga ba? Ako? Nasa bakuran, gumagawa ng saltik, tirador yung
tawag ng iba, tinutulungan ako ni Kuya Daniel, pinsan ko, inampon ni
Daddy, pinag-aaral nya sa College. Binabalutan nya ng “goma” ang
saltik na ginawa nya. Sa susunod, ikaw na gumawa ha, mag-aral ka,
higpitan mo ang balot, ganito oh, tapos iikot mo. Sabi ni kuya sa
akin, ng biglang.
Daniel, Daniel! May sumigaw, si mongki
pala, bespren ng pinsan ko. “PUTA”, nakita ko si Madel sa bayan.
Nanlaki ang mata ni Kuya Daniel. Sa pangalawang pagkakataon, narinig
ko ang salitang puta. Nga-nga na naman ako. Ano nga ba ang
“puta”? Bakit sa kapag babae ang nagsabi ng puta ,
mararamdaman mo ang galit, poot at sigalot sa puso nila, pero bakit
kapag si mongki ang nagsabi, parang piyesta, parang may kwitis at
Roman Candle na sumisindi habang binabanggit nya ang salitang iyon.
Ako na ang nagtuloy ng pagtatali ng goma sa saltik ko, kailangan kong
tapusin yon, para ma-saltik ko si Mongki dahil istorbo sya, imbes na
wala akong gagawin, ako tuloy ang tatapos ng ginagawa ni kuya Daniel.
Sa
wakas, umalis na si Mongki at hindi pa rin ako tapos sa pesteng
paglagay ng goma sa saltik ko. O ano, bunso, tapos na ang saltik mo?
Tanong ni Kuya Daniel. Kung nakakamatay ang tingin, patay na siguro
ang pinsan ko dahil sa talim ng tingin ko sa kanya. Naramdaman siguro
nya yon, kaya siya na ang tumapos. Effective pala ang Killer Look ko.
Kuya Daniel, ano ang puta? Tiningnan nya lang ako. Kuya, Ano ang
puta, inulit ko. Kung buhay na si Vice Ganda, makakatikim sya ng
“Ano, gusto pa ng paulit ulit na tanong” . Pero dahil hindi pa
sikat ang Vice Ganda Syndrome, Killer Look na lang ang panlaban ko
pero hindi umubra yon sa pinsan ko. Pero lubha akong magaling
mang-black mail. Sabi ko na lang, itatanong ko na lang kay Daddy.
Natakot ang loko, nanalo ako. Ganito kasi yon, ang Puta, Entertainer
sila. Ginagawa nila ang trabaho nila kapalit ng halaga. Dahil, isa't
kalahating mang mang rin naman ako, naniwala ako sa kanya. Trabaho
lang pala yon, naisip ko. Siguro inagawan ng trabaho ni Mabel si
Yaya, kaya ganon na lang ang galit ni Yaya.
Intoy, Intoy! Lunes
na naman pala ng umaga, Nguma-ngawa na naman si Manang Henya Ligo,
kain, pasok sa school. Ganito na lang lagi. Ang tagal mag-Sabado.
Sunod na naalala ko, recitation namin ngayon, si Uchiro, yung Japinoy
na classmate ko, nasa unahan ng klase, ikekwento pala ang trabaho ng
magulang namin. Si Papa, Manager ng Restaurant sa Japan, nagkikita
lang kami once a year, pumupunta ako sa Japan pag bakasyon,
pagmamalaki ni Uchiro. Si mama naman, “Entertainer”. Syempre,
sumabat ako, alam ko yata ang meaning ng “Entertainer” ! Uchiro,
“PUTA” pala ang nanay mo, sigaw ko sa klase.
Namutla si Uchiro,
tumahimik ang klase, sabay nagtawanan. Umiyak si Uchiro. Sunod na
eksena? Na-guidance office ako! Ako lang yata ang may hindi alam ng
salitang “puta”. Paglabas ko sa office, may love letter na akong
dala para sa parents ko. Kung ano man ang laman non, hindi ko rin
alam. Hindi naman ako pinagalitan.
Habang lumalaki ako
nalaman ko na ang kwento ni Mabel. Isa pala syang bayaran. Maraming
lalaki ang nagpasasa sa katawan nya, ilang tao na kaya? Sampu? Kinse?
Trenta? Sitenta? Dalawang Daan? Ang dami naman! Pero kung ilan man,
si Mabel lang ang nakakaalam noon.
Intoy, Intoy. Tapik
ni Manang Henya sa balikat ko. Hindi ka pa ba tapos, mahuhuli ka sa
trabaho mo. Tapos na pala ang flashback ng buhay ko. Tumayo ako,
naglakad papalayo sa kusina, malalim ang iniisip. Naligo, nagbihis,
papasok sa trabaho. Habang nagmamaneho ako, naisip ko, puta si Mabel,
puta rin pala ako. Ilang babae na nga ba ang nakatikim sa akin, ilang
beses na rin pala akong nakipagtalik ng hindi ko naman kakilala.
Ilang beses na rin nilang ginamit ang katawan ko. Wow! Feeling ko
katawan ko lang ang gusto nila. Tumatawa ako habang nagmamaneho.
Maraming humusga
kay Mabel. Pero marami rin palang katulad nyang puta, isa na ako ron.
Isa ka rin marahil. Tama, pareho kaming puta ni Mabel. Kung ang
basehan pala ng pagiging puta ay yung dami ng taong nakatalik mo, kasintahan mo man o hindi,
pwes marami sa atin ang Puta! Ako, siguro ikaw, puta ka rin, pero ang
pagkakaiba namin ni Mabel? Hindi ako nagpapabayad.
Disclaimer: This article is inspired by the original " Minsan May isang Puta"
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/04/10/minsan-may-isang-puta-2007/
very intense king! :)
ReplyDeleteThanks : first time kong gumawa nito eh... ) ahm, i tried to figure out who you are... but i failed hehehe.. cno po ikaw?
Delete